viernes, junio 24, 2005

what you told me


Sa Tabi ng Dagat
Idelfonso Santos

Marahang-marahang
manaog ka, Irog, at kita'y lalakad,
maglulunoy katang
payapang-payapa sa tabi ng dagat;
di na kailangang
sapnan pa ang paang binalot-sibuyas,
ang daliring garing
at sakong na wari'y kinuyom na rosas!

Manunulay kita,
habang maaga pa, sa isang pilapil
na nalalatagan
ng damong may luha ng mga bituin...
patiyad tayo'y
mangaghahabulang simbilis ng hangin,
ngunit walang ingay,
hanggang sa sumapit sa tiping buhangin...

Pagdating sa tubig,
mapapaurong kang parang nangingimi,
gaganyakin kita
sa nangaroroong mga lamang-lati;
doon ay may tahong,
talaba't halaang kabigha-bighani,
hindi kaya natin
mapuno ang puslo bago tumanghali?

Pagdadapit-hapon,
kita’y magbabalik sa pinanggalingan,
sugatan ang paa
at sunog ang balat sa sikat ng araw!

Talagang ganoon...
Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan,
lahat, pati puso,
ay naaagnas ding marahang-marahan...

1 castaways:

Blogger isea said...

oops, talaga? hehehe! sorry, sorry. :) *hugs*

2:13 p. m.  

Publicar un comentario

<< Home